![]()
Nanindigan si Vice President Sara Duterte na dapat patunayan ng prosecutors ang kanilang kaso sa pamamagitan ng mga ebidensya at hindi sa paggamit ng mga pang-iinsulto, ispekulasyon at political theatrics.
Ang pahayag ni VP Sara ay ginawa matapos ang ilang beses na paggamit ng prosecution team ng mga salitang scam at mastermind sa impeachment trial kaugnay sa paggamit ng confidential fund.
Sinabi ng Bise Presidente na ang malakas na kaso ay hindi nangangailangan ng paggamit ng mga pang-iinsultong salita.
Binanggit din ni VP Sara ang aniya’y pagtagawag ng isang senator judge sa testigo bilang ‘stupid’ habang ang isa pang witness ay tinawag ding ‘brat’.
Ang pang-iinsulto aniya ay nangangahulugan ng mahinang presentasyon ng kaso.
Kasabay nito, ipinahayag niya sa publiko na bagama’t lubog ang bansa sa baha at kahirapan, tila walang mananagot dahil prayoridad ng administrasyon ang impeachment, paghati-hatian ang 2027 budget at paghahanda kung paano baliin ang Konstitusyon para manatili sa pwesto.
