![]()
Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na iwasan ang pag-aaksaya ng bigas, bilang bahagi ng food security efforts ng bansa.
Sa pagtaya ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), bawat Pilipino ay nag-aaksaya ng dalawang kutsarang kanin kada araw, na katumbas ng 10.85 milyong sako ng bigas na nagkakahalaga ng ₱24.4 billion kada taon.
Sa statement ng D-A, ang mga natapong bigas ay maaari sanang pakinabangan ng 5.17 milyong Pinoy sa loob ng isang taon.
Noong 2014 ay inilunsad ng PhilRice ang “Be-Rice-Ponsible” campaign, para himukin ang mga Pinoy na iwasan ang pag-aaksaya ng bigas, suportahan ang mga lokal na magsasaka, at pumili ng mas healthy na rice options.
Ipinaalala ng D-A na mahalaga na magkaroon ng disiplina sa pagkonsumo ng bigas.
