dzme1530.ph

Isang mataas na NPA official, patay sa ikinasang operasyon ng militar

Patay sa bakbakan ang isa sa mga itinuturing na mataas na opisyal ng New Peoples Army matapos ang ikinasang operasyon ng militar sa Negros Occidental.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Posadas alyas “Poten” na umano’y secretary ng regional committee ng NPA.

Ayon sa ulat, naka-engkwentro ni Posadas ang pwersa ng 62nd at 94th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Cabite, brgy. Santol, Binalbagan Negros Occidental.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga otoridad sa mga kasamahang rebelde ng napatay na NPA leader.

About The Author