dzme1530.ph

Dingdong Dantes, ninais sumabak sa politika?

Inamin ng aktor na si Dingdong Dantes na minsang sumagi sa isip niya na pumasok sa politika.

Sinabi ni Dingdong na may panahon na sa tignin niya ay may magagawa pa siya para makatulong sa mga Filipino.

Gayunman, naisip niya na masyado siyang busy sa pagiging ama at isang “responsableng miyembro” ng showbiz industry.

Isa pang dahilan na nagpa-atras sa aktor na pumasok sa politika ay mataas ang kanyang respeto sa Public Office.

Ipinaliwanag ni Dingdong na kapag sinabing public service ay ito na dapat ang kanyang topmost priority at hindi ito madali dahil mangangailangan ito ng maraming oras, pagod, kasama na ang love at passion, at hindi birong sakripisyo.

Binigyang-diin din ni Dingdong na nais niyang ilaan ang kanyang panahon at pagsisikap bilang asawa at ama sa kanyang pamilya, pati na sa kanyang trabaho bilang aktor at mabuting mamamayan ng Pilipinas.

About The Author