dzme1530.ph

NATIONAL SIMULTANEOUS SAFETY DRILL FOR ACTIVE ATTACK INCIDENTS, IPINAGPALIBAN NG DEPED

Loading

Ipinagpaliban ng Department of Education ang nationwide simultaneous safety drill for active attack incidents sa public at private elementary at secondary schools na nakatakda bukas, August 25.
 
Ayon sa DepEd, muling itatakda ang aktibidad sa unang linggo ng Setyembre.
 
Pangunahing dahilan ng pagpapaliban ay ang kanselasyon pa rin ng face-to-face classes sa iba pang mga lugar.
 
Ang karagdagang panahon ay magbibigay-daan sa DepEd upang tiyakin na ang lahat ng aktibidad ay nakatutugon sa mga rekomendasyon ng weather, disaster preparedness, child protection at psychosocial support experts.
 
Partikular na rito ang pagtiyak ng kahandaan ng mga mag-aaral physically at psychologically.
 
Tiniyak din ng ahensya na ang aktibidad ay magiging age-appropriate at trauma-informed, bukod pa sa nakapokus sa basic protective actions, communication, coordination, accountability at recovery.
 
Pinayuhan din ang mga paaralan na iwasan ang hyperrealistic o graphic simulations na magdudulot ng takot o distress.

About The Author