dzme1530.ph

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE, FULL BED CAPACITY NA DAHIL SA MGA KASO NG LEPTOSPIROSIS

Loading

Umabot na sa full bed capacity ang National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa gitna ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis matapos ang pagbaha sa iba’t ibang lugar.
 
Sa advisory ng NKTI, magpapatupad muna sila ng temporary limit sa walk-in admissions upang iprayoridad ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency care, hospital admission at immediate critical medical intervention.
 
Pinapayuhan ang mga non-emergency admission patients na makipag-ugnayan muna sa kanilang mga attending physicians at ikonsidera ang ibang healthcare facilities.
 
Humingi naman ng paumanhin ang administrasyon ng pagamutan sa publiko kasabay ng apela sa mas malawak na pag-unawa sa kanilang sitwasyon.

About The Author