![]()
NILINAW ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na hindi pa pinal na napagpapasyahan ng ang planong ilipat ang oras ng impeachment trial sa hapon.
Sinabi ni Escudero na posibleng sa August 26, Miyerkules pa nila maianunsyo ang kanilang magiging desisyon sa usapin.
At posibleng sa Setyembre anya maipatupad ang bagong schedule kung ito ang mapagkasunduan ng mga senador.
Una nang kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na mayroon nang consensus ang majority senators sa panukalang ilipat sa hapon ang impeachment trial.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na mayorya ng mga senador sa majority bloc ay suportado ang panukalang ilipat sa hapon mula alas-2:30 ng hapon hanggang 7:30 ng gabi ang impeachment trial at kung kinakailangan ay maaari pang palawigin ang oras upang mas magkaroon ng mahabang panahon ang paglilitis.
