Ibinabala ng PAGASA na posibleng tumindi pa ang nararanasang init ng panahon sa mga susunod na araw sa ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na 5-day forecast ng PAGASA, makararamdam ng 23 °C na heat index ang mga indibidwal sa Baguio City, habang 38°C naman sa Cotabato.
Inaasahang papalo sa 56°C ang maitatalang heat index sa Catbalogan City, Samar, bukas, na posibleng bumaba naman sa 51°C sa Miyerkules.
Samantala, sinabi rin ng PAGASA na kahit tumindi ang init, posible pa rin ang pag-uulan sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms.