dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION PANEL, HINDI INTERASADONG BAGUHIN ANG THRESHOLD SA CONVICTION NG IMPEACHMENT COURT LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

Hindi interesado ang House Prosecution Panel na baguhin ang required two-thirds vote para ma-convict ng Impeachment Court si Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Prosecution Legal Spokesman at Counsel Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na ang focus nila ay isulong ang “airtight case” para masiguro ang kinakailangang 16 votes o 2/3rds.
 
Binigyang-diin ni Tolosa na respetado nila ang naging ruling ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero, na hindi rin tinutulan ng iba pang senator-judges na “16” ang threshold para masunod ang required 2/3rds ng 24 sitting senators.
 
Ipinalagay lang aniya na ang kanyang naging pahayag ay isang suhestyon dahil na rin sa katotohanan na maraming senator-judges ang umaabsent na sa trial.
 
At dahil anumang oras ay puwedeng i-revisit ng Impeachment Court kung may miyembro nito na magmumungkahi, puwede itong mangyari dahil na rin sa katotohanan na “interlocutory” o temporary lamang ang ginawang desisyon.

About The Author