dzme1530.ph

Maconacon, Isabela, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Isabela, 5:19 pm kahapon.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol, 18 kilometro hilagang silangan ng bayan ng Maconacon, at may lalim na 55 kilometro.

Naitala ang Intensity 5 sa Penablanca, Cagayan; Intensity 4 sa Gonzaga, Cagayan; at Intensity 3 sa Ilagan, Isabela.

Naramdaman naman ang Intensity 2 sa Casiguran, Aurora; Batac, Pasuquin, at Laoag City, Ilocos Norte; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; at Medalla, Quirino.

Habang Intensity 1 sa Bagued, Abra; Baler at Dipaculao, Aurora; Vigan City at Sinait, Ilocos Sur; at bayombong, nueva vizcaya.

Ayon sa PHIVOLCS, posible ang aftershocks subalit walang inaasahang pinsala.

About The Author