dzme1530.ph

PAGLIVESTREAM NG PAMAMARIL SA PAARALAN, INDIKASYON NG MAS MALALIM NA PROBLEMA SA KABATAAN

Loading

NANINIWALA si Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros na maituturing na mas malalim ang problemang dapat harapin kung ang karahasan ay hindi lamang ginagawa kundi idinidisplay, ginagaya, at nili-livestream pa.
 
Kasunod ito ng insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University na nilivestream pa ng shooter.
 
Sinabi ni Hontiveros na hindi pa nila matiyak kung may koneksyon ito sa Nihilistic Violent Extremism (NVE) o sa iba pang online communities na sinimulan nang suriin matapos ang Tacloban shooting.
 
Nangako ang senador na itutuloy ang kanilang trabaho laban sa NVE, sa online grooming for serious violent activity, at iba pang banta sa kaligtasan ng mga estudyante sa isasagawang hearing sa Huwebes.
 
Pangunahing layunin ng mga hearing na ito na matukoy kung ano ang kailangang baguhin sa paaralan at online environments ng kabataan upang kailanman ay hindi na ito maulit muli.

About The Author