dzme1530.ph

PALASYO, HINIMOK ANG PUBLIKO NA ISUMBONG ANG MGA PAG-ABUSO SA SCHOLARSHIP PROGRAM NG PANGULO

Loading

HINIMOK ng Malakanyang ang publiko na i-report ang anumang pag-abuso o iregularidad sa pagpili ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Presidential Scholarship Program.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, maaaring ihain ang reklamo sa Liga ng mga Barangay National Office, Department of the Interior and Local Government (DILG), Presidential Communications Office (PCO), o sa Office of the President (OP).
 
Binigyang-diin ni Castro na ang mga ganitong reklamo ay tinatanggap nila upang matiyak na ang mga ayudang ibinigay ng Pangulo at ng lokal na pamahalaan ay makarating sa tamang benepisyaryo.
 
Inihayag din ng Palace official na mayroong mga mekanismo sa pagpili ng qualified beneficiaries.
 
Kabilang na rito ang mga graduating college students na nanganganib ma-drop out dahil sa problemang pinansyal.
 
Ang mga scholar ay pinipili ng barangay officials, kasama ang Education Committee ng Sangguniang Barangay.

About The Author