![]()
Kinumpirma ng Department of Economy, Planning and Development o DEPDev na umaabot sa 8.8 million Filipinos ang nakaangat mula sa kahirapan noong 2025.
Sa datos ng DEPDev, bumaba sa 9.7 percent ang poverty incidence sa bansa noong isang taon kumpara sa 18.1 percent noong 2021.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng kahirapan ay recovery sa household incomes at employment dahil sa mga ipinatupad na social protection program ng gobyerno.
Sa kabila nito, nagbabala ang DEPDev na posibleng tumaas muli ang poverty incidence kung magpapatuloy ang pataas ng inflation.
Nanawagan din ang ahensya para sa mas maraming investments, exports, agriculture at industrial activity upang matiyak ang economic growth.
