dzme1530.ph

DZME 1530kHz station, programa, kinilala sa Asian Sterling Business Awards!

Buong pagmamalaking umakyat sa entablado ng Aliw Theater sa Pasay City ang Presidente ng Capitol Broadcasting Center na si Mr. Allan Pichay Urbiztondo upang tanggapin ang iginawad na parangal sa ginanap na ASIAN STERLING BUSINESS AWARD.

Kung saan tinanghal na Most Outstanding Local Radio Station ang DZME 1530kHz.

Tinanggap ni Urbiztondo ang plake at tropeo ng pagkilala para sa himpilan kasama si Ed Sarto, ang Station Manager.

Tumanggap din ng hiwalay na parangal ang programang Laking Tulong, Balitaan at Aksiyon, matapos bigyang pagkilala ng Asian Sterling Awards bilang Most Outstanding Public Service Program (National Awards Catergory). na personal na tinanggap naman ng mga host na sina June Angeles at Ox Ballado.

Magsisilbing inspirasyon ang dalawang prestihiyosong parangal na ating natamo sa paghahatid ng mga napapanahong programa para sa kapakinabangan ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.

Tuloy-tuloy tayo sa serbisyo-publiko, Una sa kanan ang himpilang may paninindigan.

About The Author