![]()
BUKAS si Senate President Sherwin Gatchalian sa ipinapanukalang ilipat sa hapon ang pagdaraos ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Gatchalian na sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga senador ang panukala ni Senate Majority Leader Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na pagpalitin na ang oras ng sesyon ng Senado at impeachment trial.
Ipinaliwanag ng Senate leader na kadalasan ang impeachment trial ay umaabot ng lima hanggang anim na oras kada araw habang ang sesyon ay inaabot ng apat hanggang limang oras.
Kung ililipat anya sa hapon ang trial, ay maaaring tapusin nila ang pagharap ng isang testigo kada araw dahil wala nang limitasyon sa oras ng pagdinig.
Nilinaw ng senador na pag-uusapan pa ng mga senador ang panukala bago maglabas ng desisyon.
