![]()
Humarap na sa Senate Impeachment Court si Ginang Gina Acosta, ang dating special disbursing officer ng OVP.
Ayon kay Counsel for the Prosecution Atty. Virgil Ligutan, nais nila si Acosta ang gawing unang “hostile witness,” o testigong hindi panig sa kanila.
Tinutulan naman ito ng defense counsel na si Atty. Lyndon Baquel.
Gayunman, nakumbinsi ni Atty. Ligutan ang presiding officer na qualified na maging hostile witness si Acosta.
Dahil dito, may karapatan si Atty. Ligutan na magtanong ng “leading questions” sa testigo.
Si Acosta, bilang SDO ng OVP noong 2022 at 2023, ang may impormasyon sa pinagdaanan ng kabuuang P500-million na confidential fund ni VP Sara Duterte.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtatanong ng prosecution sa unang hostile witness.
