dzme1530.ph

PILIPINAS, WALANG OBLIGASYON NA SAGUTIN ANG ANUMANG TANONG NG CHINA

Loading

Nanindigan ang Department of National Defense o DND na wala silang obligasyong sagutin ang anumang tanong ng foreign government o embassy.
 
Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang Chinese Embassy ang dapat magpaliwanag sa pagkakaugnay sa illegal activities sa teritoryo ng Pilipinas.
 
Sa gitna ito ng pagkwestyon ng Chinese Embassy sa operasyon noong Mayo sa Sanjia Steel Corporation, kung saan inaresto ng mga awtoridad, kabilang na ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, ang ilang Chinese workers.
 
Una nang kinuwestyon ni Chinese Embassy spokesperson Ji Linpeng ang kaugnayan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa raid sa steel plant.
 
Iginiit pa ni Ji sa kalihim na sagutin ang lahat ng kanilang katanungan kaugnay sa operasyon.
 
Sinabi ni Andolong na walang karapatan ang China na humingi ng kasagutan sa DND at maituturing itong lantarang panghihimasok sa mga panloob na usapin ng bansa.
 
Tiniyak ng opisyal na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng batas ng Republika at pananagutan ang sinumang lumalabag dito.

About The Author