![]()
Bini-beripika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang report na isang Pilipino ang nasawi habang nakikipaglaban kasama ng Russian forces sa giyera sa Ukraine.
Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na hindi pa nakukumpirma ng militar ang pagkakakilanlan ng napaulat na Pinoy at ang pangyayari tungkol sa insidente.
Hangga’t hindi anya nakukumpleto ang beripikasyon ay masyado pang maaga para sa AFP na magbigay ng tiyak na pahayag kaugnay sa naiulat na insidente.
Ang pahayag ng AFP ay kasunod ng report ng RBC-Ukraine na isang major independent news agency, na ibinunyag ng intelligence agency ng Kyiv na isang Pilipino ang napaslang habang nakikipagbakbakan kasama ang Russian military sa Donetsk Region.
Kinilala ng Defence Alliance of Ukraine ang napaulat na fighter na 37-year-old mula sa Metro Manila.
