![]()
HIHIRIT ng oral arguments ang legal team ni Vice President Sara Duterte para mabasura ang kasong grave threats na inihain laban sa bise presidente.
Sa statement, sinabi ni Atty. Paul Laurence Lim, counsel ni Duterte, na maghahain ang depensa ng manifestation na kailangan ng oral arguments sa kanilang motion to quash.
Ito anya ay dahil sa “far-reaching consequences” ng grave threats cases.
Ikinatwiran ng depensa na posibleng magdulot ang kaso ng mga epekto o implikasyon ng higit pa sa pag-uusig kay VP Sara.
Kinasuhan ng DOJ si Duterte ng grave threats sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa sinabi nitong may kinausap siyang tao para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang.
