dzme1530.ph

553 bagong kaso ng COVID-19, naitala —DOH

Karagdagang 553 COVID-19 new cases ang naitala ng Department of Health, kahapon.

Ayon sa kagawaran, bumaba sa 4,657 ang aktibong kaso mula 7,340 nitong Huwebes.

Lumobo naman sa 4,087,964 ang total case load kabilang ang 4,016,863 recoveries, habang ang death toll ay sumampa na sa 66,444.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming COVID infections sa nakalipas na dalawang linggo; matapos makapagtala ng 1,666 na kaso; sinundan ng CALABARZON, 654 at Davao Region, na may 456.

About The Author