dzme1530.ph

ILANG PULITIKO, HINDI NAGBABAYAD NG KURYENTE

Loading

Ito ang nabunyag sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa mga panukalang tanggalin na ang systems loss sa ikinakargang bayarin sa electricity bill ng mga consumer.

Sa hearing, sinabi ni Senador Erwin Tulfo na mayroon silang impormasyon na ilang pulitiko ang hindi nagbabayad sa mga electric cooperatives kaya’t ang kanilang lugi ay ipinapasa sa mga consumers.

Kinumpirma rin ni National Electrification Administration o NEA Administrator Antonio Almeda ang mga reklamo ng ilang electric coops na may mga pulitikong hindi nagbabayad kaya’t ilan na rin anya ang pinutulan ng suplay.

Ipinaliwanag ni Almeda na nang maitalaga siya sa ahensya ay tumulong siya sa mga electric coop na makapaningil at nanindigang dapat tanggalan ng suplay ang mga hindi nagbabayad.

Nakumpirma rin sa pagdinig na may mga investors din na interesado sa industriya sa kuryente subalit hindi makapasok dahil hawak ng kongresista, governor o mayor ng prangkisa na dapat anyang ipagbawal na.

About The Author