![]()
Isasagawa ng Truth Commission na binuo para idokumento ang umano’y extrajudicial killings (EJKs) na iniuugnay sa war on drugs ng Duterte administration, ang kanilang unang hearing bukas, Aug. 14.
Ayon kay Atty. Raul Pangalangan, chairman ng Truth Commission, sisimulan nila ang unang pagdinig sa Pope Pius Center sa Maynila.
Si Pangalangan ay dating International Criminal Court (ICC) judge at former dean ng University of the Philippines College of Law.
Aniya, ang five-member commission ay nilikha kasunod ng panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang komisyon ay hiwalay mula sa ICC at hindi bahagi ng gobyerno ng Pilipinas.
Ito ay inorganisa ng Simbahang Katolika at civil society organizations at walang prosecutorial o judicial powers.
