![]()
Tinukoy at nasuri na ng Department of Energy (DOE) ang mga posibleng lokasyon para sa nuclear power plants na matatagpuan sa limang lalawigan.
Sinabi ng DOE na posibleng itayo ang nuclear plants sa Bataan, Palawan, Masbate, Pangasinan, at Camarines Norte.
Ayon sa ahensya, naisailalim na ang naturang sites sa initial assessment, na pinunan ng Site and External Events Design Mission ng International Atomic Energy Agency (IAEA) upang palakasin ang technical basis para sa future site selection.
Ang site inspection ay bahagi ng paghahanda ng bansa para sa “next stage” ng nuclear energy program.
Inihayag ni DOE Undersecretary Giovanni Bacordo na sistematikong tinutugunan ng gobyerno ang infrastructure requirements sa ilalim ng milestone approach ng IAEA, kasabay ng pag-usad ng preparasyon ng bansa sa “Phase 2.”
