dzme1530.ph

RESOLUSYON NA KUMIKILALA SA SB19 DAHIL SA PAGDADALA NG OPM SA LOLLAPALOOZA 2026, INIHAIN SA SENADO

Loading

Nag­hain ng resolusyon si Sen. Kiko Pangilinan bilang pagbati at papuri sa P-pop supergroup na SB19, na kauna-unahang Filipino act na nag-perform sa Lollapalooza, na isa sa world’s largest and most influential music festivals.
 
Inihain ang Senate Resolution No. 573 para kilalanin ang makasaysayang performance ng SB19 sa Lollapalooza Chicago 2026 at ang pagdadala nila ng Original Pilipino Music (OPM) sa global audience.
 
Nakas­aad sa resolusyon na ang performance ng tinaguriang P-pop kings sa naturang festival ay isang momentous occasion para ipagdiwang ang husay ng mga Pinoy sa music, arts, and dance.
 
Ibinigay ng quintet na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ang high-energy set sa Allianz Stage noong July 31, sa pamamagitan ng kanilang hits, gaya ng “Gento” at “Mapa,” kasama ang tribute performance ng “Mga Kababayan” ni Francis Magalona.

About The Author