dzme1530.ph

PAGDARAGDAG NG BUWANANG PENSION NG INDIGENT SENIOR CITIZENS, ISINUSULONG

Loading

Isinusulong ng Makabayan Coalition ang pagdaragdag sa buwanang social pension na tinatanggap ng mga indigent senior citizen.
 
Ang House Bill No. 1370 na pinangunahan ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ay nagnais na itaas sa 2,000 pesos ang buwanang social pension, mula sa kasalukuyang P1,000.
 
Ipinapasama na rin sa mas mataas na social pension ang mga pensyonado ng SSS at GSIS na tumatanggap lamang P10,000 pababa kada buwan.
 
Paliwanag ni Tinio, ito ay suportang pangkabuhayan sa mga nakatatanda na hirap punan ang mga pangangailangan sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain, gamot, kuryente, tubig, at iba pang pang-araw-araw na gastusin.
 
Hango ang panukala sa adbokasiya ng SKK o Seniors Kontra Kurakot, isang samahan ng mga nakatatanda na humihiling ng pananagutan sa mga nasa pamahalaan.
 
Anila, malaking bagay kung madodoble ang social pension, lalo na sa mga SSS at GSIS pensioners na naghihikahos dahil sa liit ng tinatanggap na pension.

About The Author