dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, DAPAT SITAHIN NG SENATE IMPEACHMENT COURT

Loading

Matapang na sinabi ni Kabataan Party-list at House prosecution spokesperson Renee Co na, kung mayroon mang dapat i-call out ang Senate Impeachment Court, ito’y walang iba kundi si VP Sara Duterte.
 
Sa pagdinig kahapon, nabanggit ni Senate Impeachment Court Presiding Judge Chiz Escudero na mag-iisyu siya sa Lunes ng kautusan hinggil sa paglabag sa Rule 18 ng impeachment.
 
Ang Rule 18 ay pagbabawal sa magkabilang kampo na magsalita sa publiko ukol sa merito ng kaso sa impeachment trial.
 
Ayon kay Co, kung may dapat sitahin ang korte, ito’y si VP Duterte dahil siya mismo ang bumabaluktot ng batas, lalo na sa paggasta sa confidential funds na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot.
 
May sinabi rin umano ang VP na patama sa impeachment process na may “bending the law” na nangyayari.
 
Hamon pa nito sa Senate Impeachment Court, protektahan nito ang kanilang otoridad at pairalin ang tuntunin ng patas sa lahat.

About The Author