dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS JR., DUMISTANSYA SA ‘LEADERSHIP FUND’

Loading

Idinistansya ng Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa akusasyon ni dating DSWD Secretary Manuel Bonoan hinggil sa 24-billion peso leadership fund na umano’y inilaan para sa mga senador.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kung alam ng Pangulo ang tungkol sa naturang pondo, ay hindi ito mangyayari.
 
Idinagdag ni Castro na ang mga usapan tungkol sa kahalintulad na deals ay ginagawa nang palihim.
 
Aniya, maging si DPWH Secretary Vince Dizon ay wala ring ideya tungkol sa naturang isyu.
 
Sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan, ibinunyag ni Bonoan na ang “leadership fund” ay in-allocate ng DPWH para sa mga senador na magrerekomenda ng mga proyekto.
 
Bawat senador, aniya, ay mayroon umanong alokasyon na 500 million pesos habang ang may committee chairmanships ay tumanggap ng 1 billion pesos bawat isa.

About The Author