dzme1530.ph

PAGBANGGIT NI SEC .BONOAN SA ILANG SENADOR NA NAGSULONG NG MGA PROYEKTO SA DPWH, HINDI DAPAT BIGYAN AGAD NG MALISYA

Loading

UMAPELA si Senador Christopher Bong Go sa lahat na huwag agad lagyan ng malisya o kulay ang pagbanggit sa kanyang pangalan at kay Senator Robin Padilla sa testimonya ni dating Public Works and Highways official Bonoan sa Sandiganbayan.
 
Ayon kay Go, kailangang ilagay sa tamang konteksto ang mga pahayag ni Bonoan, lalo na’t bahagi ang mga ito ng testimonya sa kasong kinakaharap ng dating opisyal.
 
Sinabi ni Go na mas makabubuting ituon ni Bonoan ang kanyang testimonya sa pagtatanggol sa sarili kaysa idamay ang trabaho ng mga mambabatas.
 
Gayunman, binigyang-diin ng senador na hindi dapat agad ituring na kahina-hinala ang pagkakaroon ng koordinasyon sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo kaugnay ng mga proyekto ng pamahalaan.
 
Ipinaliwanag ng senador na bahagi ng mandato ng isang mambabatas ang pagrepresenta sa mga hinaing at kahilingan ng mga mamamayan, kabilang ang pag-follow up sa mga proyektong hindi pa natatapos, hindi pa napopondohan, o hindi pa naipatutupad nang maayos.
 
Sinabi ni Go na madalas siyang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno kapag may mga residente o lokal na pamahalaang humihingi ng tulong para sa mga proyekto sa kanilang lugar.
 
Kasama rin anya rito ang kanyang oversight function bilang senador, kabilang ang pagbabantay sa implementasyon ng mga batas at sa paggamit ng pondo sa ilalim ng pambansang budget.

About The Author