dzme1530.ph

ALBERT IAN DELOS SANTOS, WAGI NG TATLONG GINTONG MEDALYA SA ASIAN YOUTH AND JUNIOR WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIPS

Loading

Namayagpag ang Filipino weightlifter na si Albert Ian Delos Santos sa Men’s 70kg Junior Category sa 2026 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
 
Humakot ang 19-year-old weightlifter ng tatlong gold medals para sa Pilipinas, at nanguna sa snatch (141kg), clean and jerk (180kg), at total na 321kg sa kanyang weight class.
 
Ito ang unang gintong medalya ni Delos Santos sa snatch, na matagal nang naging mailap sa kanya hanggang sa masungkit niya ngayong kompetisyon.
 
Naitala rin ni Delos Santos ang bagong junior records sa world at Asian, sa Men’s 70kg Category, kasunod ng kanyang matagumpay na lift sa 180kg sa clean and jerk.

About The Author