![]()
Binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang bidding para sa 1.24 billion pesos na halaga ng mga kontrata para sa development and rehabilitation ng Tacloban at Busuanga airports.
Sa magkahiwalay na bid notices, sinabi ng DOTr na 695.25 million pesos ang inilaan para sa civil works and rehabilitation contract para sa Tacloban Airport.
Ibi-bid din ng kagawaran ang kontrata para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng building facilities ng Tacloban Airport sa halagang 145.50 million pesos.
Samantala, binuksan din ng DOTr ang bidding para sa 402.55-million peso Busuanga Airport Development Project.
Saklaw nito ang site development at initial construction ng isang apron at taxiway.
