dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, KINASUHAN NG DOJ NG GRAVE THREATS

Loading

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong grave threats si Vice President Duterte kaugnay sa pahayag na kumausap siya ng tao para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at former Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang.
 
Ayon sa DOJ, ang kasong one count of grave threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code, in relation to the Cybercrime Prevention Act, ay inihain sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court, kahapon.
 
Sinabi ni DOJ spokesman Atty. Polo Martinez na nakita ng kanilang prosecutors na mayroong prima facie evidence with reasonable certainty of conviction para kasuhan ang Bise Presidente.
 
Itinakda ang piyansa sa 120,000 pesos.
 
Inihayag din ni Martinez na dinismiss naman ang reklamong inciting to sedition laban kay VP Sara matapos hindi makitaang ng prima facie evidence ng prosecutors.

About The Author