![]()
Bumabalangkas ang Department of Education (DepEd) ng master plan upang matiyak ang kahandaan ng mga guro at mag-aaral para sa implementasyon ng artificial intelligence (AI) sa mga paaralan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang AI Master Plan ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) upang mabigyan ang mga Pilipino ng kinakailangang skills para sa emerging technologies.
Sinabi ni Angara na nasa proseso na sila ng pagbuo ng master plan, kung saan nakapaloob na lahat ng guro ay maging maalam sa AI at kanila itong ituturo.
Aniya, gaya ng inihayag ng Pangulo sa kanyang SONA, 1.8 milyong mag-aaral at mga guro ang natuto na ng basics sa AI.
Nakikipag-ugnayan din ang DepEd sa private sector upang palakasin ang digital literacy ng teachers at learners.
