![]()
Ipinagbunyi ng sambayanan ang tagumpay ni Alex Eala sa 2026 Mubadala DC Open Women’s Singles Championship.
Sa kanyang pagbati, ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dahil sa tagumpay ni Eala ay nakuha ng Pilipinas ang unang World’s Tennis Association Tour-Level Singles title.
Sinabi ng Pangulo na patuloy na pinatunayan ni Eala ang kakayahan ng Pinoy at naging inspirasyon sa iba pang atleta na mangarap nang walang limitasyon.
Tiniyak din ni PBBM na kasama ni Eala ang sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng panibagong tagumpay sa kanyang career.
