![]()
Naabot ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang panibagong milestone makaraang umakyat sa bagong career-high sa world rankings sa No. 17.
Umangat ang 21-year-old Pinay tennis star sa kanyang career-best placing, kahapon, isang araw bago ang pagsisimula ng kanyang kampanya sa WTA 250 Hong Kong Open laban kay Alycia Parks ng US sa Round of 32.
Tumaas ng dalawang puntos si Eala mula sa No. 19, lagpas sa kanyang dating career-high ranking na No. 18.
Ang development ay kasunod ng quarterfinal appearance ni Eala sa Pan Pacific Open sa Japan, kung saan pinadapa niya sina Mika Stojsavljevic at Talia Gibson sa first two rounds bago kapusin kay Diana Shnaider sa Top 8.
