dzme1530.ph

18 KASO NG GRAFT AT MALVERSATION, ISINAMPA NG OMBUDSMAN SA SANDIBAGANBAYAN LABAN SA MGA DATING OPISYAL NG DPWH-DAVAO

Loading

Inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang 18 counts ng kasong graft at 18 counts ng malversation laban sa mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways-Davao.

Kasama rin sa kaso ang pitong pribadong indibidwal.

Ito ay may kinalaman sa umano’y ₱491 million na road right-of-way scam sa General Santos City.

Batay ito sa isinumiteng tatlong investigation reports ng National Bureau of Investigation noong 2018 at 2019.

May kinalaman ito sa 18 parcels of land na apektado ng konstruksyon ng Digos-Makar National Road sa Lagao, General Santos City.

About The Author