![]()
Umabot na sa 53 pet owners ang nagsampa ng reklamo sa Bacoor Police Station laban sa Ahjay Aftercare Pet Crematorium.
Ito ay makaraang matuklasan na itinapon ng crematorium ang labi ng mga namatay na hayop sa halip na i-cremate.
Nanawagan ang mga pet owners ng hustisya para sa kanilang mga alaga na biktima anila ng walang pusong gawain.
Iginiit ng mga pet owners na hindi nila kailangan ng refund at nais lamang nila na mabigyan sila ng hustisya.
Sinabi naman ni Bacoor City Mayor Strike Revilla na hindi na nakikipag-ugnayan sa kanila ang may-ari ng pet crematorium na si Jonathan Legaspi at naghihintay na lamang ng pormal na kaso laban sa kanya.
Ipinasara na rin ang Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium at suspendido na rin ang business permit nito habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.
