![]()
Muling nagbuga ng abo ang Mayon Volcano sa Albay.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nagsimula ang ash emission kaninang 8:22 AM.
Umabot sa 1,600 metro sa ibabaw ng summit crater ang plume mula sa bulkan.
Nananatili naman ang Alert Level 3 sa bulkan, na indikasyon ng posible pang pagkakaroon ng mapanganib na pagsabog.
Ipinatupad ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon simula noong October 30 matapos ang moderately explosive eruption.
