dzme1530.ph

NET PROFIT NG MGA BANGKO SA PILIPINAS, UMAKYAT NG 4.25% NOONG KATAPUSAN NG SETYEMBRE

Loading

Mas naging profitable ang Philippine banking industry sa unang siyam na buwan ng taon, makaraang makapagtala ng mas mataas na net interest income, sa kabila ng mataas na rates.

Batay sa pinakahuling tala mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 4.25% o sa ₱315.469 billion ang pinagsama-samang kita ng mga bangko sa bansa simula Enero hanggang Setyembre.

Kumpara ito sa ₱302.617 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pag-angat ng kita ay itinulak ng 13.5% growth sa net interest income sa ₱979.087 billion hanggang noong katapusan ng Setyembre, mula sa ₱862.33 billion na nai-record sa unang siyam na buwan ng 2025.

About The Author