![]()
Aprubado na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), sa pamumuno ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino, ang apat na bagong Wage Orders para sa mga manggagawa at kasambahay sa Western Visayas at SOCCSKSARGEN.
REGION 6 – WESTERN VISAYAS
• ₱590/araw – malalaking non-agricultural establishments
• ₱565/araw – maliliit na establishments at agricultural workers
• ₱500 dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay (₱7,000 na)
REGION 12 – SOCCSKSARGEN
• ₱16/araw na dagdag simula Nobyembre 19, 2026
• Karagdagang ₱25/araw sa Enero 1, 2027
• ₱501/araw – non-agricultural, retail at service workers
• ₱484/araw – agricultural workers
• ₱450 dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay (₱6,450 na)
Ayon kay Secretary Tolentino, tinatayang 214,757 manggagawa sa Region 6 at halos 87,000 sa Region 12 ang makikinabang sa dagdag-sahod.
Ang mga bagong Wage Orders ay ilalathala sa Nobyembre 4, 2026. Magsisimula ang unang implementasyon sa Nobyembre 19.
