![]()
All cozy and cuddly sa isang date sina Fil-Am singer-songwriter Olivia Rodrigo at finance professional Julian Croonenberghs nang mamataan sa isang date sa New York.
Para sa mga fans, tila kumpirmasyon ito na “in a relationship” na ang dalawa.
May public display of affection (PDA) sina Olivia at Julian nang maispatan sila sa isang park sa Brooklyn, kung saan magka-holding hands sila at nang mahiga sa damuhan ay hinalikan ang kamay ng isa’t isa.
Bago ito ay ilang beses nang nakitang magkasama ang dalawa sa New York at sa isang airport sa Iceland.
Pareho namang wala pang sinasabi sina Olivia at Julian sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.
Dating naka-relasyon ng Fil-Am singer ang British actor na si Louis Partridge, at napabalitang naghiwalay ang dalawa noong Dec. 2025.
