dzme1530.ph

PRO-DUTERTE RALLY SA HARAPAN NG ICC SA THE HAGUE, KINUMPIRMA NI VP SARA DUTERTE

Loading

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na tuloy ang pro-Duterte rally sa harapan ng International Criminal Court (ICC) bukas.
 
Ibinunyag ng Bise Presidente na nag-organisa ang overseas supporters ng “Free Duterte Now” gathering sa labas ng ICC headquarters sa The Hague, para tutulan ang proceedings laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sinabi ni VP Sara na tatalakayin nila ang tungkol sa injustice na ginawa sa kanyang ama.
 
Inihayag din ng nakababatang Duterte na alam ng dating Pangulo ang isasagawang demonstrasyon.
 
Aniya, bagaman ginagawang basehan ng ICC sa paggawa ng desisyon ang mga sinasabi nila sa mga nakaraang rally, nais lamang nilang ilabas ang kanilang galit, at pumayag naman dito ang kanyang ama.

About The Author