dzme1530.ph

FORMER SPEAKER ROMUALDEZ, PINAGSUSUMITE NG COUNTER-AFFIDAVIT NG OMBUDSMAN

Loading

Inatasan ng Preliminary Investigation Team ng Office of the Ombudsman si dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez at iba pang respondents na ipaliwanag ang kani-kanilang panig sa mga reklamong may kinalaman sa flood control anomalies na isinampa laban sa kanila sa pamamagitan ng counter-affidavit.
 
Noong nakaraang linggo ay inihain ng Panel of Investigators mula sa Office of the Ombudsman ang supplemental complaint para sa preliminary investigation laban kina Romualdez, dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad sa kasong plunder, direct and indirect bribery, graft, at money laundering kaugnay ng flood control scandal.
 
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, mayroong 15 days ang mga respondent para magsumite ng kani-kanilang kontra-salaysay.
 
Sinabi ni Clavano na kapag naihain na ng lahat ng partido ang kani-kanilang sagot ay isusumite na para sa resolusyon ang kaso.

About The Author