![]()
Isang hinihinalang improvised explosive device ang natagpuan sa center island malapit sa Senado sa Diokno Boulevard, Pasay City.
Natagpuan ang isang abandonadong bag 8:23 a.m. at natapos suriin 8:40 a.m. matapos itong i-report ng empleyado ng Gringo Towing Service na si Orlando Ceramica.
Kinumpirma ng Southern Police District na nakita sa bag ang isang 9-volt battery, isang blasting cap, isang orasan, at isang plastic jar na naglalaman ng brown powdery substance na hinihinalang explosive material.
Nagsasagawa umano ng regular inspection ang mga tauhan ng PNP-EOD sa lugar nang sumigaw si Ceramica na may bomba.
Agad namang nagsagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad at natuklasan ang presensya ng explosive components.
