![]()
Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang Philippine Navy personnel na nasugatan sa engkuwentro laban sa Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.
Personal na iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu sa dalawang sundalo at pinagkalooban din ang mga ito ng tig-₱100,000.
Kinondena rin ni Pangulong Marcos ang marahas na insidente sa Ayungin Shoal, ngunit nanindigan siyang ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mapayapang pamamaraan sa paggigiit ng karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
