![]()
Nasakote na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpaslang sa pro-Marcos vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Public Information Office Chief Police Colonel Allen Rae Co, nasa kustodiya na ng pulisya ang umano’y gunman na si alyas “MS” at ang driver na si alyas “GA.”
Nakilala ang mga suspek isang araw matapos ang pamamaril sa pamamagitan ng pagsusuri sa CCTV footage sa lugar.
Dinakip ang dalawa sa Barangay Datu, Mabalacat City, Pampanga, kasunod ng masusing imbestigasyon at follow-up operation ng Northern Police District Special Investigation Task Group.
Nilinaw ng PNP na magpapatuloy ang imbestigasyon sa kabila ng pagkakaaresto sa mga suspek.
Hanggang ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ang motibo sa krimen ay may kaugnayan sa pulitika, personal na alitan, o kombinasyon ng dalawa.
