dzme1530.ph

NINONG RY, IPINAGDIWANG ANG IKA-ANIM NA TAON SA VLOGGING

Loading

Ipinagdiwang ng content creator na si Ninong Ry ang kanyang ika-anim na taon sa pagba-vlog sa pamamagitan ng isang Instagram post, kung saan pinasalamatan niya ang kanyang mga “inaanak.”
 
Sinabi ni Ninong Ry na hindi niya inakalang aabot siya sa ganitong tagumpay dahil sinimulan lamang niya ang pagba-vlog matapos magsara ang kanilang negosyo at kinailangan niyang humanap ng ibang mapagkakaabalahan.
 
Aniya, bagama’t alam niyang kayang magpatuloy ng kanyang mga inaanak sa buhay kahit wala si Ninong Ry, pinili pa rin nilang manood at sumuporta sa kanya.
 
Taos-puso, tagos-kaluluwa, at sagad hanggang buto ang pasasalamat na ipinaabot ni Ninong Ry, kasama ang kanyang pamilya at team, sa lahat ng kanyang supporters.
 
Nakilala si Ninong Ry dahil sa kanyang pangmasa at real-talk na paraan ng pagluluto at paggawa ng food-related videos.
 
Sa YouTube, mayroon na siyang halos 3 milyong subscribers.

About The Author