![]()
Pormal nang hiniling ng House Prosecution Team ang pag-subpoena sa unang tatlong testigo para sa confidential funds na aarangkada sa susunod na linggo.
Ang request para sa subpoena duces tecum ad testificandum ay kinabibilangan nina:
- Marivic Pareja ng Legislative Archives and Museum Management Service ng House of Representatives
- Ang dalawang empleyado ng LandBank na sina Violeta Constantino, dating Branch Manager ng LandBank Shaw Boulevard Branch, at Nenita Camposano, former Branch Manager ng LandBank DepEd Branch.
May ilang dokumento rin ang hiniling na i-subpoena.
Sina Pareja, Constantino, at Camposano ang unang pasabog ng prosekusyon para sa Article I o isyu sa misuse of confidential funds.
