dzme1530.ph

PAGBOTO PARA SA PAGPAPASUBPOENA NG BANK AT TAX RECORDS NI VP SARA DUTERTE, KAILANGAN LANG NG SIMPLE MAJORITY

Loading

Simple majority lamang ang kakailanganing boto ng mga senator-judges para maaprubahan sa Lunes ang hiling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.
 
Ipinaliwanag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na kung ilang senator-judges ang present sa sesyon sa Lunes, majority o 50 percent plus one ang kailangan para maaprubahan o hindi ang mosyon ng prosekusyon.
 
Binigyang-diin ni Tongol na kapag ordinaryong botohan, sapat na ang majority para sa isang quorum.
 
Kasabay nito, nilinaw ni Tongol na bagama’t inaasahan ang desisyon sa usapin sa Lunes, posible pa ring magkaroon ng ibang senaryo depende sa magiging pagtalakay.

About The Author