![]()
Kinumpirma ng Philippine National Police na nasa stable condition si Senador Rodante Marcoleta bago ang pagsailalim sa medical examination sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa ngayon ay naka-confine pa si Marcoleta sa PNP General Hospital sa Camp Crame dahil sa hypertension at mild pneumonia.
Ayon sa PNP, dadalhin si Marcoleta sa PGH para sa medical examination upang matukoy kung kailangan pa siyang panatilihin sa PNP General Hospital.
Inatasan din ng korte ang PNP na dalhin si Marcoleta sa pagdinig ng kanyang kasong plunder bukas.
