![]()
Tiniyak ng Teachers’ Dignity Coalition na pagkakalooban ng suporta at tulong ang gurong nangasiwa ng deworming activity sa isang paaralan sa Cavite na nagresulta sa pagkamatay ng isang Grade 4 student.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas na nahaharap ngayon sa problema ang guro kahit hindi naman saklaw ng kanilang trabaho ang pagbibigay ng pampurga sa mga estudyante.
Iginiit ni Basas na lahat ng public program na dinadala sa mga paaralan ay dapat pinangangasiwaan ng kaukulang ahensya.
Sinabi ni Basas na muling inilantad ng insidente ang kakulangan ng iba’t ibang non-teaching staff sa mga paaralan.
